Ang Travel Clearance Certificate (TCC) ay isang dokumentong iniisyu ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga mga menor de edad na maglalakbay sa ibang bansa na hindi kasama ang kanilang magulang o taong may legal na kustodiya o awtoridad sa kanila.
Ito ay naka-digital na format at ina-apply online sa pamamagitan ng Harmonized Electronic License and Permit System (HELPS) platform.
Ang Certificate of Exemption ay isang opisyal na dokumento na iniisyu ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagpapaliban o nag-aalis sa isang menor de edad sa obligasyong kumuha ng Travel Clearance for Minors (TCM) sa ilalim ng ilang partikular na kundisyon.
Karaniwang iniisyu ang Certificate of Exemption kapag ang kalagayan ng biyahe ng menor de edad ay hindi nangangailangan ng travel clearance, ngunit kailangan pa rin ng patunay ng exemption para sa dokumentasyon o beripikasyon ng mga awtoridad gaya ng mga immigration officer.
Maaaring mag-isyu ng Certificate of Exemption kung ang sitwasyon ng menor de edad ay pasok sa alinman sa mga sumusunod na kundisyon:
Paalala: Ang maling impormasyon ng aplikante ay maaaring magresulta sa pagkaka-disapprove o hindi pagkakaapruba ng aplikasyon
a. Kung ang menor de edad ay kasama ng sinuman sa mga sumusunod:
b. Kung ang menor de edad ay nagtataglay ng sinuman sa mga sumusunod, kung saan ang eksepsiyon ay ipapatupad nang walang kinalaman sa kasamang nakatatanda:
A Certificate of Exemption may be issued if the minor's situation meets any of the following:
Kung ang Birth Certificate na inisyu ng PSA ay walang QR-code, kailangan mong magsumite ng kopya ng pasaporte ng menor de edad bilang alternatibong dokumento para sa pagpapatunay (verification).
Paalala:Scanned copy of the Visa petition approval.
Scanned copy of certification from a Physician citing the minor’s condition and his/her inability to fully take care of him/herself.
Scanned copy of the Student Visa or Acceptance or Certificate of Enrollment or Registration from the school where the minor is to be enrolled.
NACC issued Consent to Travel.
RACCO issued Consent to Travel
RACCO issued Consent to Travel
Scanned copy of the Certified True Copy of Court Order on Legal Guardianship.
Pumunta sa https://mta.dswd.gov.ph/ at mag-login gamit ang iyong rehistradong account.
Sa iyong dashboard, makikita mo ang iyong Active/Ongoing Applications na maaari mong sundan hanggang sa makumpleto ang iyong aplikasyon.
Preparing for Interview - Napili mo na ang iyong interview slot at kasalukuyan kang naghihintay para sa iyong interview.
Paalala:Approved and Issued Certification - Ang iyong aplikasyon ay naaprubahan na at ang iyong sertipiko (TCC/CE) ay naibigay na.
Paalala: Paki-klik ang “Approved Application” sa iyong dashboard upang i-download ang iyong TCC/CE.
I-klik ang "Re-apply"(Muling Mag-aplay)
Kung ang flight ay na-rebook sa mas maaga o mas huling petsa kaysa sa nakasaad sa travel clearance, hindi na kailangan ng bagong aplikasyon. Ipresenta lamang ang patunay ng na-rebook na flight sa Immigration Officer, hangga't nananatiling pareho ang destinasyon, kasamahan sa pagbiyahe, at layunin ng paglalakbay.
Ang magulang/mga magulang, ang menor de edad, at ang kasama (kung mayroon) ay kinakailangang dumalo lahat sa online interview.
Hindi kinakailangan na ang menor de edad, mga magulang, at kasama sa pagbiyahe ay magkakasama (physically present) sa iisang lokasyon. Maaari ninyo lamang ibahagi sa kanila ang Google Meet link upang mapadali ang kanilang paglahok sa interbyu.
Ang (validity period) ng TCC ay tatagal ng isang (1) taon mula sa petsa ng pagkakaloob (issuance), sa kondisyon na ang kasama sa pagbiyahe (travel companion) ay ang parehong tao at ang layunin ng paglalakbay at bansa/mga bansa ng destinasyon ay pareho. Alinsunod dito, ang anumang pagbabago sa kasama sa pagbiyahe o layunin ng paglalakbay ay mangangailangan na ang aplikante ay magsumite ng bagong aplikasyon
Ang CE (Certificate of Exemption) ay walang (validity period), na maaaring gamitin nang maraming beses ng mga aplikante na kinakailangang kumuha ng CE alinsunod sa Guidelines on Departure Formalities na inisyu ng Inter-Agency Council Against Trafficking, sa kondisyon na ang mga kasama sa pagbiyahe (traveling companions) ng menor de edad ay ang mga sumusunod:
Ang Travel Clearance Certificate (TCC) ay nagkakahalaga ng ₱800.00.
Ang Certificate of Exemption (CE) ay nagkakahalaga ng₱300.00.
Maaaring magbayad gamit ang MAYA, GCash, o LandBank.
Ang proseso ay karaniwang tumatagal ng isa (1) hanggang tatlong (3) araw ng trabaho, basta’t kumpleto ang lahat ng kinakailangang dokumento at tama ang impormasyong isinumite.
Ang Minors Traveling Abroad (MTA) ay nag-ooperate mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM hanggang 5:00 PM, maliban sa mga opisyal na holidays at declared suspensions.
We would appreciate your feedback.
Please click the link below to answer our brief Client Satisfaction Survey: